Friday, January 11, 2008

Dito na lang...

haaaayyy... buhay... dito na lang sa space na ito ako magmumukmok, magrereklamo, maglalabas ng mga kung anu-anong saloobin meron ako. Tutal naman kakaunti o walang nagbabasa dito, lalong walang magbabasa nitong sinulat ko kasi tagalog ito at ang mangilan ngilang napapasyal dito ay siguradong hindi maiintindihan ito, kasi english speaking sila. mas maganda na rin siguro itong magtagalog ako kahit balu-baluktot at wrong grammar para maiba naman.

Minsan nakakainis ang buhay masasabi mong HAY NAKO NAMANG BUHAY ITO OH!!! HAY NAKOOO... nakakasawa na paulit-ulit na lang yung problemang dinadala, kakasawa ng umintindi, kakasawa ng magpasensya, kakatamad ng minsan na mabuhay, kahit ayaw ko pang mamatay.

Bat kaya ganun, kung sino pa ang nagpupumilit na gumawa ng mabuti, na magsipag, na laging intindihin ang iba, sya pa yung laging nagiging kawawa. Meron nga dyan, mga tao na puro kasamaan lang ang ginagawa sila pa yung namumuhay ng masagana.

Dati simple lang ang mga pangarap ko sa buhay, isang masayang pamilya kahit wala ng maraming bagay, basta masaya... sa mga nakaraang panahon na pagsusuri ko, eto pa ba? ako rin ang sumagot ng hindi na.

Nakakapagod, nakakapagod ang laging nagt-trabaho, nakakapagod ang laging nagmamahal, pero ginagawa ka namang walang kwenta minsan. nakakapagod diba? Aalagaan mo, pagsisilbihan mo, lahat ibibigay mo, kapalit nun panggagago... nakakapagod. Simpleng tao lang naman ako. Kung ano ako sayo, simple lang din ang gusto ko, dapat ganun din ikaw sa akin, kahit sino ka man (parang kanta at pelikula), kaibigan ka man, asawa, kapatid, anak. Nakakapanlumong isipin na ang kabutihang ginagawa mo sa ibang tao, minsan kapalit nito kabaliktaran... NAMAN OH...

Hindi naman ako nagkulang sa dasal... araw-araw, gabi-gabi nagdadasal ako... naririnig pa kaya ako ng Diyos? San pa kaya ako nagkulang? ang mga panalangin ko nananatiling pinapanalangin pa rin hanggang ngayon... bat di pa kaya ako magaling? bat lalo pa kaya dumadami sakit ko? bat di pa kaya gumiginhawa ang buhay ko? bat kaya parang walang nagmamahal sakin? nakakalungkot... minsan naisip ko, wag na lang kaya...

Sana ang buhay ng tao parang soap opera, kapag nanonood ka nito mapapansin mo, ang mga tao mabilis yumaman, mabilis makaganti sa may gawa ng kasalanan, mabilis nagkakaayos ang pami-pamilya... ilang buwan lang natatapos agad ang palabas at happy ending na, sa bida. Sana ang buhay ko parang bida sa soap opera.

Di kaya isa lang akong ampon? baka ang mga magulang ko talaga ay isang mayamang angkan, at ako kinidnap lang ng nag-aalaga sakin at binigay sa kinalakhang mga magulang ko ngayon... sana... o baka naman kaya mayron akong great uncle o great auntie na ako ang nag-iisang tagapagmana... nakakasawa na ang maging mahirap eh.

nakakapagod... nakakainis... nakakakulo ng dugo...