isang pangungumusta sa aking sarili
...kumusta na kaya ako... eto sa awa ng Diyos kahit papano nakakasurvive pa din, sa dami ng hirap na pinagdaanan ngayon, maayos pa rin naman kami, nakakakain pa din 2 times a day ng full meal. 2 times kasi di naman kami nag aagahan talaga. minsan may meryendang masarap pa.
napagisip isip ko, kahit pala hirap ako, madami ako dapat ipagpasalamat sa Diyos. sunod sunod na nagkakasakit kami, pero sa awa nya wala namang namamatay o nacoconfine sa ospital. bawas na pinagkakakitaan namin pero sa awa Niya, nakakabili pa rin kami pagkain, may baon at pamasahe pa sa school mga kids, at nakakabayad pa kami ng bills (koryente, tubig, internet connection, at higit sa lahat yung sa bahay), nakakapag paload pa dn ako sa cellphone kaya nakakapag text ako araw araw.
mabait si Lord, salbahe ako... di nya kami pinapabayaan, pabaya na ko sa prayer. Mabuti na lang binigyan nya kami wake up call, nung linggo nakapagsimba kami (first time sa loob halos ng dalawang taon). sabi ko nga kay Lord, sana tuloy tuloy na ito, at laking pasasalamat ko sa kanya, kasi panahon na rin para yung mga kids, makapakinig ng salita ng Diyos. First time ni zdi na umatend ng Sunday school. mabuti naman at may madadagdag na rin syang matutununan, kasi madali syang matuto at sinusunod naman nya yung mga tinuturo sa kanya. mabuti at matutunan na nya ang salita ng Diyos. Minsan umuwi sya, naghugas ng natirang hguasan, sabi nya kasi daw sabi ng teacher dapat tulungan ang mga magulang... mabait na bata, sana hanggang paglaki nya ganun sya, ganun silang lahat na mga anak ko.
ngayon, eto talaga at walang wala kami, pero iba talaga kumilos ang Panginoon, may nagbayad ng dapat naming bayaran na malaki, may kasama pang advance payment. isang malaking pasasalamat kay Lord. ngayon ko naisip, di kaya regalo ng Panginoon ito kasi nagsimba kaming buong pamilya nung linggo?
kahit anglungkot ng buhay ko, kahit pilit ko lang pinapasaya... dapat pala naman talaga ako maging masaya, kasi kahit na wala ako maasahang tunay, si Lord kahit di ko pansinin, di nya pala ako pababayaan.
ang bait ng Panginoon... ang salbahe ko...

