ganito kasi yun
eto na naman ako, nangungumusta sa aking sarili, tagalog ulit tayo... di naman ako maka pagbisaya, kasi kakaunti na rin lang ang alam ko doon sa dating kinagisnan kong salita. kung tutuusin wala akong matatawag na native na wika ko. di ko naman masasabi na bihasa ako sa lahat ng wikang ginagamit ko. di bale kung san ako pwedeng maglabas ng gusto ko ilabas yun na lang gagamitin ko. kumbaga etong pahinang eto ng web ang syang magiging paminsang minsang diary ko. para kahit pano mabawas bawasan naman ang bigat na dinadala ko.
so to start...
ganito na lang ba? lahat ng tao alam ko may problema, may kanya kanyang sakit sa dibdib na dinadala, may kanya kanyang nararamdaman na hindi maganda. pero bat sakin di ata mawala-wala ang problema... at kung ulanin ng kamalasan, patong patong pa... ano ba meron ako? sabi nila magpasalamat daw ang taong may problema kasi ibig sabihin pinagkakatiwalaan sila ng Diyos, the more na may problema ka, the more na God trusts you. Trusts you enough that you can handle it and find the solution for it. Pero namaaaaannn... minsan gusto ko sabihin ke Lord, Lord pwede pahingan naman?
Hanggang san ba ang kayang dalhin ng isang tao? Ako hanggang san ang kaya ko?
Ang simpleng mga pangarap ngayon halos di mo na matanaw... minsan nasasabi ko, kunyari na lang maging masaya ako, kasi kung lagi na lang magiging bugnutin, wala rin naman mangyayari.
Kahit magsisigaw ako sa galit, kahit magwala ng todo-todo, kahit maglayas, wala rin namang mapupuntahan ang lahat. Maging masaya na lang, kahit kunwari lang, may mas mabuti pang epekto ito sa sarili ko.
Kaya may mga taong nagpapakamatay... may mga nababaliw... siguro sila di na nila kaya... siguro sila nagpatalo sila sa kakaisip. kahit di naman pwedeng di isipin, kasi laging laman ng isip ang dinadala.
Bat ba ako ang hirap mag-open, kahit na dito, alam ko naman sarili ko lang kausap ko dito di ko pa masabi sabi kung ano ba talaga ang problema ko at kung ano ba ang hirap na dinadala ko. ewan ko ba... ako ata ang taong masyadong private... pero paminsan minsan naman may mga tao din ako pinagkakatiwalaan na sinasabihan ko... o baka naman nadulas lang ako... makwento din kasi akong tao, di nauubusan ng kwento, lalo na pag ang kwento sinusulat. pero wag ka, pag kausap ako, lalo ng mga taong di gaanong malapit sakin, tahimik lang ako, kala mo hindi madaldal...
may mga nakakaintindi kaya sakin? meron bang talagang nakakakilala sakin?
pag gusto ko ng peace, war ang nabibigay... pag gusto ko ng ice cream, cake ang binibili, pag gusto ko tahimik na buhay, ginugulo naman... pag gusto ko ng maginahawang buhay, kahirapan naman... gustuhin ko kaya lahat ng kabaligtaran ng gusto ko, baka makuha ko na yung gusto kong totoo talaga...
ganto na lang ba talaga?
Sana minsan makatagpo ako ng yun bang talagang di ako mahihiya na ilabas lahat ng laman ng isip at damdamin ko (ang bigat noh?) di naman kelangan magkita ng personal, mas maganda nga yung nagcha chat na lang, lahat pwede ko pa sabihin...
pero maganda din yung meron talaga best friend na masasabi, yung closest sa puso kasi yun pwede mo kasama, may tatapik sa balikat ko (kasi tapik lang naman siguro kelangan ko), action speaks louder than voice. sana makakita ako ng kaparehas ko, para magkainrindihan kami ng mabuti at masabi namin kung ano ang dapat sabihin sa isat isa...
minsan kasi ang iba kahit well meaning na yung sinasabi sayo, di mo rin mafeel eh. isip lang ang na touch hindi ang puso o soul.
Siguro nga ang kelangan ko tunay na kebigan... kasi dito wala naman ako matatawag na tunay na kebigan yun bang best friend... marami ako kebigan at close friend, wala naman best friend. best friend na makakasama ko sa lakaran, sa lahat, laughters and tears... simula bata pa ako eto na talaga ang hanap ko, sobrang tagal na, matanda na ko, di ko pa sya nameet... o baka naman nameet ko na, di ko lang napansin. dati meron ako kinonsider best friend, ewan ko ba ano nangyari, naghiwalay kami ng landas, en so on en so port.
sana this year maiba naman ang buhay ko, ang buhay namin, yun bang magkaron naman saya, yung saya na sagad sa buto... yun bang masasabi kong eto talaga, sobrang saya...
Sana...

